Sabado, Enero 28, 2012

ANG UNA AT IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG


KAILAN NGA BA NAGSIMULA ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG?
  • ITO AY NAGSIMULA NOONG AGOSTO 1914 AT NAGTAPOS NOONG 1918
BAKIT AT ANO ANG SANHI NG PAGKAKAROON NITO?
  • ANG PAG-AALYANSA NG MGA BANSANG EUROPA AT PAG-UUNAHAN NILA SA TERITORYO AT IBA PANG MGA INTERES.
ANU-ANONG MGA BANSA ANG KASAMA SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG?
  • ANG GERMANY AY KAALYADO NG AUSTRIA-HUNGARY AT TINAWAG SILANG CENTRAL POWERS.
  • ANG FRANCE,ENGLAND,AT RUSSIA NAMAN NA TINAWAG NA MGA ALLIES AY MAGKAKAMPI.

ARCHDUKE FRANCIS FERDINAND
Pakanan mula itaas: Bambang sa Bunsurang KanluranMark IV tangke habang tumatawid sa isang bambang; barkong pandigmang HMSIrresistible habang lumulubog matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang mga gas mask, at mga Alemang eroplanong Albatros D.III


MGA EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  • NATALO ANG CENTRAL POWERS SA DIGMAAN AT ISINAGAWA ANG PAGPUPULONG SA VERSAILLES,FRANCE UPANG PORMAL NANG TAPUSIN ANG DIGMAAN AT PAG USAPAN ANG KAPARUSAHAN NG MGA TALUNANG BANSA.
  • SA KABUUAN,NANGHINA LAHAT NG BANSANG EUROPEAN DAHIL SA TAGAL,HIRAP,AT GASTOS NG DIGMAAN.
  • LUMAKAS NAMAN ANG UNITED STATES AT JAPAN.
  • NAIBA ANG BALANSE NG KAPANGYARIHAN(BALANCE OF POWER) SA DAIGDIG.
  • ANG UNITED STATES AT JAPAN ANG MATATAWAG NA MGA SUPERPOWER O MGA PINAKAMAKAPANGYARIHANG BANSA NOONG PANAHONG YAON.
  • SA VERSAILLES, NAKUHA NG JAPAN ANG SHANTUNG NA DATI AY NASA KAMAY NG MGA GERMAN.
  • BINIGYAN DIN NG KAPANGYARIHAN MAMUNO ANG JAPAN SA MGA ISLA SA PACIFIC OCEAN NA NASA HILAGA NG EQUADOR NA DATING NASA KAMAY NG GERMANY.
  • SUMAMA RIN ANG CHINA SA USAPAN SA VERSAILLES, SUBALIT WALA SIYANG NAKUHA AT NAWALA PA ANG SHANTUNG SA KANYA.
  • DAHIL DITO HINDI NILA NILAGDAAN ANG KASUNDUAAN SA VERSAILLES.
  • DAHIL SA DI-MAKATWIRANG PAGTRATO SA KANILA SA VERSAILLES, NAG-UMPISA ANG ISANG MALAWAKANG KILOS PROTESTA SA CHINA LABAN SA MGA DAYUHAN AT TINAWAG ITONG KILUSANG MAYO 4 1919 (MAY FOURTH MOVEMENT)
  • NAGSIMULA RIN ANG NEW CULTURE MOVEMENT NA ITINAKWIL ANG COUNFUSIANISM AT IBA PANG MGA MAKALUMANG PAG-IISIP SA CHINA.
  • ISINULONG NITO NA PAG-ARALAN ANG MGA BAGONG IDEYA NA GALING SA EUROPA AT SA HIMAGSIKANG RUSO NA NAGANAP NOONG 1917.
  • ITINATAG ANG LEAGUE OF NATIONS UPANG MAIWASAN NG PAGKAKAROON NG DIGMAAN SA DAIGDIG.









                 ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

KAILAN NGA BA NAGSIMULA ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG?
  • NAG-UMPISA SA EUROPA NOONG SETYEMBRE 1939, DAHIL ANG INDIA AY KOLONYA NG ENGLAND BINIGYAN NG SUPORTA NG INDIA ANG ENGLAND. NGUNIT AYAW NI GANDHI NG DIGMAAN AT NAGPROTESTA SIYA AT ANG KANYANG MGA  KASAMA.INARESTO SILA NG MGA AWTORIDAD NGUNIT NAGKAROON NG MALAWAKANG KAGULUHAN SA INDIA BILANG PROTESTA.
  • HULING NAGSIMULA ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG SA ASYA.NAGSIMULA ITO NANG NILUSOB NG JAPAN ANG PEARL HARBOR NOONG DISYEMBRE 7 1941 SA HAWAII KASABAY ANG MGA PAGSALAKAY SA THAILAND,MALAYA,HONGKONG,PILIPINAS AT IBA PANG MGA BANSA.
ANG PAGBOMBA SA PEARL HARBOR 
 
  •  DAHIL SA PAG-ATAKE NG MGA HAPONES, NABIGLA ANG UNITED STATES AT IBA PANG MGA BANSANG KAALYADO NITO.
  • MABILIS ANG PANANAKOP NG JAPAN SA TIMOG SILANGANG ASYA AT SA PILIPINAS LANG ITO BUMAGAL DAHIL NAHIRAPAN ITO NG HUSTO.SA PAGBAGSAK NG BATAAN NOONG ABRIL 9 1942 AT CORREIGDOR NOONG   MAY 6 1942 GANAP NA ANG PAGSAKOP NG JAPAN SA TIMOG SILANGANG ASYA.
  • IDINEKLARA NG JAPAN ANG BURMA BILANG MALAYANG BANSA SA PAMUMUNO NI BA MAW.ANG PILIPINAS DIN AY IDINEKLARA NILANG  MALAYA  NOONG OKTUBRE 1943.
  • ANG MGA KILUSANG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA AT TIMOG SILANGANG ASYA AY BINIGYANG SUPORTA NG JAPAN AT NABUO ANG ILANG MGA HUKBO GAYA NG INDIAN  INDEPENDENCE  ARMY NGUNOT DAHIL PANAHON NG DIGMAAN AT NAGING KUHANAN NG JAPAN NG HILAW NA MATERYALES ANG TIMOG SILANGANG ASYA NAGKAROON NG MALAKING PROBLEMA SA EKONOMIYA NG REHIYON.

INDIAN INDEPENDENCE ARMY

  • NAKABANGON AGAD ANG UNITED STATES SA SINAPIT NITONG TRAHEDYA SA PEARL HARBOR.
  • MATAPOS BIGYAN NG PRAYORIDAD ANG DIGMAAN SA EUROPA HINARAP NAMAN NG MGA AMERIKANO ANG MGA HAPONES.
  • UNTI-UNTING NATALO ANG JAPAN SA PACIFIC -- SA MIDWAY AT GUADALCANAL NOONG 1942 ;NEW GUINEA NOONG 1943 HANGGANG 1944;AT MGA ISLA SA GITNANG PACIFIC GAYA NG GUAM.
  •  NAHINTO ANG PAGSUGOD NG JAPAN TUNGO SA INDIA AT AUSTRALIA. HINDI NAGAPI NG MGA HAPONES ANG MGA TSINO BAGAMAT LABIS ANG HIRAP NA DINANAS NG CHINA. DAHAN-DAHAN DING NAPALAYA NG MGA ALLIES ANG MGA SINAKOP ANG MGA TERITORYO NG JAPAN SA TIMOG SILANGANG ASYA.
  • NOONG AGOSTO 1945 TULUYAN NANG NATALO ANG JAPAN.
  • NAPILITANG SUMUKO ITO MATAPOS BAGSAKAN NG BOMBA ATOMIKA NG UNITED STATES ANG HIROSHIMA NOONG AGOSTO 6 1945 AT ANG NAGASAKI NOONG AGOSTO 9 1945.
HIROSHIMA AND NAGASAKI ATOMIC BOMBING




EPEKTO NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  • MARAMING MGA LUNGSOD  ANG NASIRA SA ASYA  AT MILYUN-MILYONG MAMAMAYAN ANG NAMATAY . HIRAP AT TAGGUTOM ANG SINAPIT NG MGA NAPINSALA SA JAPAN.
  • DAHIL NATALO ANG JAPAN ITO AY INUKUPA NG MGA ALLIES SA PAMUMUNO NG AMERIKANO SA ILALIM NI HENERAL Douglas MacArthur.
HENERAL Douglas MacArthur

  • NAGKAROON NG BAGONG SALIGANG BATAS SA JAPAN AT BINUWAG ANG SANDATAHANG LAKAS NG JAPAN. BINAGO NG PAGKATALO NG JAPAN ANG DATING PAGTINGIN NG MGA HAPONES SA KANILANG EMPERADOR BILANG ISANG DIVINE BEING O MALA DIYOS.
  • SA CHINA,NAGPATULOY ANG KAGULUHAN AT NAGKAROON NG DIGMAANG SIBIL O (CIVIL WAR). 
  • SA INDIA, ANG PAGTATAPOS NG DIGMAAN AY NANGANGAHULUGAN NG MAS MALAKAS NA KILUSANG NASYONALISMO.
  • ANG INDIA NA NAGING MALAYA AY HATI: ANG INDIA AY PARA SA MGA HINDU AT ANG MGA MUSLIM AY NAGTATAG NG SARILING BANSA: ANG PAKISTAN.
  • NAPABILIS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG ANG PAGLAYA NG TIMOG SILANGANG ASYA . 





      

 RIZAL HIGH SCHOOL 
II-JENNINGS 
ARALING PANLIPUNAN II
MRS.CAPUA

PREPARED BY:
CHRISTIAN JAY VI√ĎAS 
MICHAEL MENDIOLA
DRIXLER RAFER 
KIM ERUEL ORONGAN
KIM ROMMEL MARIBBAY
MARCO SANTIAGO

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento